Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Epilogo

[Ingles],[Kastila]

Simula
Prologo
Santa Clara
San Pascual
Salambao
Bagong Sigla
Anyo
Epilogo
Iba pa
PDF version
Guestbook

Yamagata

Credits:
Patnugot:
R. delos Reyes
HTML:
E. de Guzman
Larawan:
J. Lozano

Ano ang kahihinatnan ng Sayaw sa Obando sa darating na panahon?

Bagama't ang sayaw sa Obando ay isang matandang tradisyon, hindi maikakaila na marahil sa darating na panahon, ang nasabing kaugalian ay magkaroon ng kakaibang anyo o dili kaya't tuluyang maglaho.  Huwag naman ipahintulot ng Diyos.

Unang-una, ang bayan ng Obando ay malapit sa Maynila at ang impluwensiya ng urbanisasyon mula sa siyudad ay malakas makaapekto sa mentalidad ng mamamayan ng nasabing bayan.

Ang puwersa ng radyo at telebisyon ay malakas makaimpluwensiya sa panlasa at hilig ng ibang propesyonal sa Obando na may modernong istilo ng pamumuhay at karaniwan ay abalang nanunungkulan sa iba't-ibang tanggapan sa Maynila.  Para sa mga taong tulad nila, ang sayaw sa Obando ay isang magandang kaugalian na nababagay lamang sa nakaraan at walang katuturan sa makabagong pamumuhay.  Sa madaling-salita, ang mga taong ito ay nagkaroong ng maling pananaw tungkol sa kulturang kinagisnan nila.

Ikalawa, ang bagong henerasyon ng kabataan sa Obando ay iminulat sa pantasya ng modernisasyon.  Naging mahalag para sa kanila ang mangarap tungkol sa kultura na kinabukasan imbis na naunawaan ang kaugalian ng nakaraan para mainagkop sa kasalukuyan.  Malakas ang impluwensiya ng kulturang amerikano.  Mas mahalaga sa kanila ang "disco" ay "rock concert" kaysa pagpapandanggo kung Mayo.

Ikatlo, ang mga paaralan sa Obando at maging sa Maynila ay nagkukulang ng pagtuturo sa mga kabataan tungkol sa wastong pag-unawa sa mga kaugalian at tradisyon sa ating bayan.  Binibigyan ng diin sa pangkasalukuyang sistemang pang-edukasyon ang mga paksa at aralin na naaayon sa industriyalisasyon ng ating basnsa.  Hindi masama subalit ang pangyayari ay nawawalan ng nararapat na panahon upang pag-aralan ang samut-saring aspeto ng ating kultura lalong-lalo na yaong mga kaugalian na sumasalamin sa ating pagkatao bilang Pilipino.

Hindi marahil ninanais ng bawat isang mamamayang taga-Obando na maglaho ang isang tradisyong sumasagisag sa kanilang minamahal na bayan.  Ang pagpapaunlad ng magandang tradisyong ito ay nasasalalay sa bawat isa sa pagtutulong-tulong ng lahat ng sektor ng sambayanang Obando - ang simbahan, ang pamahalaan at ang mga mamamayan.