Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

OBANDO: ALAMAT NG ISANG SAYAW

[Ingles],[Kastila]

Simula
Prologo
Santa Clara
San Pascual
Salambao
Bagong Sigla
Anyo
Epilogo
Iba pa
PDF version
Guestbook

Yamagata

Credits:
Patnugot:
R. delos Reyes
HTML:
E. de Guzman
Larawan:
J. Lozano

Mayroon nang Counter panauhing dumalaw sa website na ito mula nang ito'y unang binuksan noong ika-29 ng Setyembre, 2001.

Kalagitnaan ng Mayo, taun-taon.  Habang nanggagalaiti sa pag-ihip ng trombong kawayan ang mga musikong bumbong ng Obando, ang mga matatandang babae at lalaki na nakasuot ng antigong damit Pilipino ay patuloy na nagsasayaw at nagtutudyuhan sa kalye kasunod ang tatlong karo nina San Pascual, Santa Clara at Nuestra Señora de Salambao. Ang himig ng "Santa Clarang Pinung-pino" ay pumapailanlang sa buong paligid ang mga namamanata na karamihan ay dayuhan mula sa karatig-bayan ng Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija at maging sa Maynila ay nag-iindakan at umuusal ng litanya at rosaryo, karamihan ay humihiling ng anak, asawa o suerte sa kabuhayan. Ang iba naman ay nagpuprusisyon bilang isang panata. Tulad ng samahan ng mga kababaihan sa nayon ng San Pascual at Hulo na taun-taon ay sumasayaw kung pista ng Obando sapagkat ang pagsasayaw nila ay isang panatang panghabang-buhay. Si Ka Adang ng San Pascual ay nabigyan ng isang anak na babae nang siya ay nagsayaw kay Sta. Clara. Si Ka Sima ng Paliwas ay nakakaramdam ng kasiglahan ng katawan habang nagsasayaw, kahit walang humpay. May mga mag-asawa na namanata nang siyam na araw bago magpista ang pawisang nakasunod sa karo ng San Pascual at taimtim na nagdarasal at humihiling ng kahit isang supling.

Ito ang hiwaga at mahika ng Obando. Libu-libong tao ang nakikipamista at sumasayaw patungkol kay Sta. Clara upang magkaanak. Ang pagsasayaw ay naging isang panalangin. Ang pangdanggo ay mga galaw ng paa, kamay at balakang upang ang ispirito ng buhay ay pumasok sa sinapupunan.

Tatlong araw ang pintakasi-Mayo 17 para kay San Pascual, Mayo 18 para kay Sta. Clara at Mayo 19 para sa Nuestra Señora de Salambao. Tatlong araw din ang bayluhan (sayawan).

Sa tinagal-tagal ng panahon, ang sayaw sa Obando ay maituturing na isang matatag at matibay na tradisyon. Ito ay kapupulutan din ng sagot sa mga katanungan tungkol sa anyo at galaw ng kultura sa ating bayan bago dumating ang mga mananakop na Kastila.

Subalit, bakit ang Obando ang siyang napatampok sa pagsasayaw upang magkaanak? Saan ang bayang ito? Ano ang kasaysayan nito?