Simula Prologo Santa Clara San Pascual Salambao Bagong Sigla Anyo Epilogo Iba pa PDF version Guestbook Yamagata Credits: Patnugot: R. delos Reyes HTML: E. de Guzman Larawan: J. Lozano |
![]() Nang dumating ang ika-18 siglo, matapos ang pagkakatatag ng Obando, isang kura-paroko ang hinirang at pinamahala upang magtatag ng isang simbahan. Ang mga mamamayan ay inatangan ng buwis nang may dalawang taon at ang nalikom ay ipinagpagawa ng simbahan. Idinagdag sa urna ng altar si San Pascual Baylon. Kung ating pakakalimiin, si San Pascual Baylon ay isang angkop na panghalili sa paganong anito, bilang diyos o patron ng kasaganaan. Ang apelyido ni San Pascual ay "baylon" na ang ibig sabihin sa salitang Kastila ay "mahilig magsayaw." Maraming anekdota ang tumutukoy sa milagrong ginawa ni San Pascual Baylon, kabilang na dito ang salaysay ng isang mag-asawang taga-Hagunoy, Bulakan na diumano'y nakatagpo ng isang taong naglalako ng alimango at ang mag-asawa'y inanyayahang makipista sa Obando. At nang silang dalawa ay napadako sa simbahan upang magsimba, buong gulat nilang nakita ang mukha ni San Pascual na kamukhang-kamukha ng taong nagtitinda ng alimango na nakatagpo nila. Hanggang sa kasalukuyan, si San Pascual Bayloin ang namayaning pangunahing patron ng Obando. Kung ibabase sa puntong historikal, si Santa Clara ang maituturing na patron na pinagtutuunan ng pagsasayaw upang magkaanak, subalit si San Pascual, bilang patron ng Obando ang naging tampok sa tatlong araw na pintakasi. At sa tinagal-tagal ng panahon, siya ay itunuring at kinilalang patron sa pagpapaanak. |